Back to Languages
Filipino - Chapter 23
Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo
Verse 1
Katiyakang matatagumpay ang mga sumasampalataya
Verse 2
Sila na nagsisipag-alay ng kanilang panalangin ng may kataimtiman at ganap na pagpapasakop
Verse 3
At sila na lumalayo sa Al-Laghw (marumi, kasinungalingan, masama, walang kabutihang salita, at lahat ng mga ipinagbabawal ni Allah)
Verse 4
At sila na nagbabayad ng Zakah (katungkulang kawanggawa)
Verse 5
At sila na nangangalaga sa kanilang kalinisan (alalaong baga, sa labag na relasyong seksuwal, sa kanilang maseselang bahagi ng katawan)
Verse 6
Maliban sa kanilang mga asawa o (mga bihag), na angkin ng kanilang kanang kamay, - sa kanila, sila ay ligtas sa anumang panunumbat
Verse 7
Datapuwa’t sinumang maghanap ng higit pa rito, sila ang mga lumalabag sa hangganan ng kautusan
Verse 8
Silanamatatapatsamgaipinagkatiwala(inilagak) sakanila at tumutupad sa mga kasunduan
Verse 9
At sila na mahigpit na nagsasagawa (ng limang takdang) pagdarasal (sa tamang oras)
Verse 10
Katotohanang sila ang mga tagapagmana
Verse 11
Sila ang magmamana ng Firdaus (Paraiso). Mananahan sila rito magpakai-lanman
Verse 12
At katotohanang nilikha Namin ang tao (Adan) mula sa lagkit ng putik (tubig at lupa)
Verse 13
At pagkatapos ay Aming nilikha siya (ang anak ni Adan) bilang isang Nutfah (magkahalong semilya ng lalaki at babae) at (inilagak) sa ligtas na himlayan (sinapupunan ng babae)
Verse 14
At pagkatapos ay ginawa Namin ang Nutfah na isang kimpal (isang makapal na piraso ng namuong dugo), at pagkatapos ay ginawa Namin ang kimpal sa isang maliit na tambok ng laman, at pagkatapos ay ginawa Namin mula sa tambok ng laman ang mga buto, at pagkatapos ay binalutan Namin ang mga buto ng laman, at pagkatapos ay Aming iniluwal siya bilang isang anyo ng paglikha. Kaya’t papurihan si Allah, ang Pinakamahusay sa Tagapaglikha
Verse 15
Pagkatapos nito, katiyakang kayo ay mamamatay
Verse 16
At pagkatapos, (muli), katotohanang kayo ay ibabangon sa Araw ng Muling Pagkabuhay
Verse 17
At katotohanang nilikha Namin sa itaas ninyo ang pitong kalangitan (sa magkakasunod na patong) at hindi kailanman Kami ay nakakaligta sa paglikha
Verse 18
At pinamalisbis Namin mula sa alapaap ang tubig (ulan) sa (ganap) na sukat, at binigyan Namin ito ng hihimlayan sa lupa, at katotohanang magagawa Naming bawiin ito
Verse 19
At inihantad Namin sa inyo mula rito ang mga halamanan ng punong palmera (datiles) at mga ubas, na rito ay maraming bungangkahoy para sa inyo, at dito kayo ay kumakain
Verse 20
At ng puno (oliba) na tumutubo mula sa Bundok ng Sinai, na nagbibigay ng langis, (at ito) ay pampagana sa kumakain
Verse 21
At katotohanan! Sa mga bakahan (hayupan) ay may tunay na aral sa inyo. Aming binigyan kayo ng inumin (gatas) na nanggagaling sa kanilang tiyan. At marami pa mula sa kanila ang mga kapakinabangan, at sila ay inyong kinakain
Verse 22
At mula sa kanila, at sa mga barko, kayo ay naglalakbay (o dinadala)
Verse 23
At katotohanang Aming isinugo si Noe sa kanyang pamayanan, at siya ay nagsabi: “o aking pamayanan! Sambahin ninyo si Allah! wala na kayong ibang Ilah (diyos) malibansa Kanya. Hindibagakayonangangamba(sa Kanya, alalaong baga, sa Kanyang kaparusahan dahilan sa inyong pagsamba sa iba pa maliban sa Kanya)?”
Verse 24
Datapuwa’t yaong mga pinuno ng mga hindi sumasampalataya sa lipon ng kanyang mga tao ay nagsabi: “Siya (Noe) ay hindi hihigit pa sa isang tao na katulad ninyo, nagnanais siya na maging mataas (malakas) sa inyo. Kung ninais lamang ni Allah, katiyakang makakapagpanaog Siya ng mga anghel; hindi namin kailanman narinig ang ganitong bagay sa aming mga ninuno.”
Verse 25
“Siya ay isang tao lamang na kinapitan ng kabaliwan, kaya’t pansamantala kayong maghintay sa kanya.”
Verse 26
(Si Noe) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay tulungan Ninyo sapagkat ako ay itinatakwil nila.”
Verse 27
Kaya’t siya ay binigyan Namin ng inspirasyon (na nagsasabi): “Balangkasin mo ang Barko sa harapan ng Aming mga Mata at sa ilalim ng Aming Rebelasyon (patnubay). Kaya’t nang ang Aming pag-uutos ay dumatal, at ang bangan ay umagos ng tubig, isakay sa barko ang dalawa sa bawat uri (lalaki at babae), at ang iyong pamilya, maliban sa kanila na ang Salita ay binitawan (pinagsabihan na). At huwag kang manikluhod sa Akin para sa kapakanan ng mga nagsigawa ng kamalian. Katotohanang sila ay lulunurin
Verse 28
At kung kayo ay nakasakay na sa barko, ikaw at sinumang kasama mo, kayo ay magsabi: “Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah lamang, na nagligtas sa amin sa mga tao na Zalimun (mapang-api, pagano, buktot, atbp)
Verse 29
At ipagbadya: “Aking Panginoon! Inyong ipahintulot na kami ay dumaong sa pinagpalang lugar, sapagkat Kayo ang Pinakamahusay sa nagpapadaong.”
Verse 30
Katotohanan, dito (sa ginawa Naming paglunod sa mga tao ni Noe) ay mayroong tiyak na Ayat (mga katibayan, aral, tanda, atbp. sa mga tao upang makaunawa), katotohanang Kami ay lagi nang nagbibigay ng pagsubok (sa mga tao)
Verse 31
At pagkatapos nila, Kami ay lumikha ng iba pang saling-lahi
Verse 32
At nagsugo Kami ng Tagapagbalita mula sa kanilang lipon (na nagsasabi): “Sambahin si Allah! wala na kayong ibang Ilah (Diyos) maliban sa Kanya. Hindi baga kayo nangangamba sa Kanya (alalaong baga, sa Kanyang kaparusahan dahilan sa inyong pagsamba sa iba maliban pa sa Kanya)
Verse 33
At ang mga pinuno ng kanyang pamayanan na hindi sumasampalataya at nagtatakwil sa Pakikipagtipan sa Kabilang Buhay, at sila na binigyan Namin ng kasaganaan at kaalwanan sa buhay na ito, ay nagsabi: “Siya ay hindi hihigit pa sa pagiging tao na katulad ninyo, siya ay kumakain ng inyong kinakain, at siya ay umiinom ng inyong iniinom.”
Verse 34
“Kung kayo ay susunod sa isang tao na katulad ninyo, kung gayon, katotohanang kayo ay tiyak na mga talunan.”
Verse 35
“Ipinangako ba niya sa inyo na kung kayo ay patay na at maging alabok at mga buto, na kayo ay lalabas nang buhay (sa muling pagbabangon)
Verse 36
Malayo, lubhang malayo ang sa inyo ay ipinangako.”
Verse 37
“wala ng iba pa maliban sa ating buhay sa mundong ito! Tayo ay mamamatay at tayo ay nabubuhay! At tayo ay hindi na muling ibabangon!”
Verse 38
“Isa lamang siyang tao na kumatha ng kasinungalingan laban kay Allah, subalit kami ay hindi maniniwala sa kanya.”
Verse 39
Siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay Inyong tulungan sapagkat ako ay ipinagkaila nila.”
Verse 40
(Si Allah) ay nagwika: “Sa pasumandali lamang, katotohanang sila ay magsisisi.”
Verse 41
Kaya’t ang As-Saiha (kaparusahan, nakakakilabot na hiyaw) ay sumaklot sa kanila ng may katarungan, at sila ay ginawa Namin na tila basura ng mga patay na halaman. Kaya’t itaboy ang mga tao na Zalimun (buhong, buktot, pagano, atbp)
Verse 42
At pagkatapos, pagkaraan nila, ay lumikha Kami ng ibang saling-lahi
Verse 43
walang bansa (pamayanan) ang makapagpapauna ng kanilang takdang panahon, o makakaantala niyaon
Verse 44
At pagkatapos ay aming isinugo ang Aming mga Tagapagbalita nang sunod-sunod; sa bawat panahon na may dumatal na Tagapagbalita sa isang pamayanan, sila ay nagtatakwil sa kanya, kaya’t hinayaan Naming sumunod ang bawat isa sa kanila (sa pagkawasak), at Aming ginawa sila bilang Ahadith (kasaysayan sa sangkatauhan upang makaalam ng aral sa kanila). Kaya’t lumayo sa mga tao na hindi nananampalataya
Verse 45
At pagkatapos ay isinugo Namin si Moises at ang kanyang kapatid na si Aaron, na mayroong Ayat (mga talata, tanda, aral, katibayan, atbp.) mula sa Amin, at ng lantad na kapamahalaan
Verse 46
Kay Paraon at sa kanyang mga punong kawal, datapuwa’t sila ay nagsikilos nang magaspang at sila ay mga tao na mapagpaimbabaw (sa pagsuway sa kanilang Panginoon at ang pagmamataas nila nang labis sa Tagapagbalita at kay Allah)
Verse 47
Sila ay nagsabi: “Kami baga ay maniniwala sa dalawang tao (lalaki) na katulad namin, ang kanilang mga tao ay sumusunod sa amin ng may kapakumbabaan (at aming ginagamit sila upang paglingkuran kami sa aming kagustuhan).”
Verse 48
Kaya’t kapwa nila itinakwil sila (Moises at Aaron), at sila (mga tao ni Paraon) ay napasama sa mga winasak
Verse 49
At katotohanang ipinagkaloob Namin kay Moises ang Kasulatan, upang sila ay mapatnubayan
Verse 50
At ginawa Namin ang anak ni Maria (si Hesus) at ang kanyang ina bilang isang Tanda, at Aming binigyan sila ng kublihan sa mataas na lupa, bilang lugar ng kapahingahan, katiwasayan, at mga dumadaloy na batis
Verse 51
“O (kayong) mga Tagapagbalita! Kumain kayo ng Tayyibat (lahat ng uri ng Halal [legal o pinahihintulutang] pagkain na ginawa ni Allah), at magsigawa ng kabutihan. Katotohanan! Ako ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa
Verse 52
At katotohanan! Ang relihiyon ninyong ito (ang Islam at Kaisahan ni Allah) ay isang relihiyon, at Ako ang inyong Panginoon, kaya’t panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Akin
Verse 53
Datapuwa’t sila (mga tao) ay bumuwag (sumira) sa kanilang relihiyon sa pamamagitan ng iba’t ibang sekta, at ang bawat pangkat ay nagsasaya sa kanilang maling pananampalataya
Verse 54
Kaya’t panandaliang hayaan sila sa kanilang kamalian
Verse 55
Sila ba ay nag-aakala na Aming pinagpala sila sa kayamanan at mga anak
Verse 56
dagliang ipinagkaloob Namin sa kanila ang magagandang bagay (sa makamundong buhay na ito upang sila ay walang makamtam na mabuting bagay sa Kabilang Buhay)? Hindi, datapuwa’t hindi nila ito napag-aakala
Verse 57
Katotohanan! Sila na namumuhay ng may pangingimi sa pangangamba sa kanilang Panginoon
Verse 58
At sila na naniniwala sa Ayat (mga aral, talata, katibayan, tanda, atbp.) ng kanilang Panginoon
Verse 59
At sila na hindi nagtatambal ng anupaman (sa pagsamba) bilang karibal sa kanilang Panginoon
Verse 60
Atsilananagbibigayngkanilangkawanggawa nang taos sa kanilang puso, na puspos ng pangangamba, sapagkat sila ay nakakatiyak nang pagbabalik sa kanilang Panginoon (sa pagsusulit)
Verse 61
Sila ang nag-uunahan sa mabubuting gawa, at sila ang tampok sa kanila (halimbawa, sa pagsasagawa ng palagiang pagdarasal sa takdang oras)
Verse 62
At hindi Kami naggagawad (o sumusubok) sa sinumang tao maliban sa maaabot ng kanyang kakayahan, at nasa sa Amin ang isang Talaan na nagsasabi ng katotohanan, at sila ay hindi mapapalungi
Verse 63
Hindi, datapuwa’t ang kanilang puso ay nababalutan (bulag) sa pag-unawa nito (ang Qur’an), at sila ay may iba pang (masasamang) gawa maliban pa rito, na kanilang ginagawa
Verse 64
Hanggang nang saklutin Namin ang iba sa kanila na nagtatamasa ng marangyang buhay, ng Aming kaparusahan, pagmasdan! Sila ay gumagawa ng mapagpakumbabang panalangin sa malakas na tinig
Verse 65
Huwag kayong manikluhod sa malakas na tinig sa araw na ito! Katiyakang kayo ay hindi Namin tutulungan (diringgin)
Verse 66
Katotohanan, ang Aming mga Talata (noon pa man) ay dinadalit na sa inyo, datapuwa’t kayo ay tumatalikod sa inyong sakong (nagtatakwil sa kanila, at may poot na pakinggan sila)
Verse 67
Sa kapalaluan (sila, ang mga paganong Quraish at mga mapagsamba sa diyus-diyosan sa Makkah na nagmamagaling sapagkat sila ay naninirahan sa santuwaryo ng Makkah - ang Haram), at nangungusap ng kasamaan tungkol dito (ang Qur’an) sa gabi
Verse 68
Hindi baga sila namamangha sa Salita (ni Allah, na ipinahayag Niya sa Propeta), o may dumating kaya sa kanila na hindi dumating sa kanilang mga ninuno
Verse 69
O ito ba’y sa dahilang hindi nila nakilala ang kanilang Tagapagbalita (na si Muhammad), kaya’t kanilang itinatakwil siya
Verse 70
o sila ba ay nagsasabi: “Mayroong kabaliwan sa kanya?” Hindi, datapuwa’t ipinahayag niya sa kanila ang Katotohanan (alalaong baga, ang Tauhid, ang sumamba lamang ng tangi kay Allah, ang manalig sa Qur’an, sa Relihiyon ng Islam), subalit ang karamihan sa kanila ay umaayaw sa katotohanan
Verse 71
At kung ang Katotohanan ay naging sang- ayon sa kanilang ninanasa, katotohanan, ang kalangitan at kalupaan, at anumang bagay na nasa pagitan nito ay magiging kabulukan (tiwali)! Hindi, ipinarating Namin sa kanila ang kanilang Paala-ala, datapuwa’t nagsitalikod sila sa kanilang Paala-ala
Verse 72
o dili kaya, ikaw ba (o Muhammad) ay nanghihingi sa kanila ng ilang bayad? Datapuwa’t ang kabayaran ng iyong Panginoon ay higit na mainam, at Siya ang Pinakamainam sa lahat ng nagkakaloob ng pabuya
Verse 73
At katiyakan na ikaw (o Muhammad) ay nanawagan sa kanila sa Matuwid na Landas (Tunay na Relihiyon – ang Islam at Kaisahan ni Allah)
Verse 74
At katotohanan, ang mga hindi nananampalataya sa Kabilang Buhay ay katiyakang lumilihis sa malayong pagkaligaw sa Landas (Tunay na relihiyon – ang Islam)
Verse 75
At bagama’t Aming iginawad ang Habag sa kanila at Aming hinango sila sa kapighatian na taglay nila, magkagayunman, katotohanang sila ay lantarang nagpapatuloy sa kanilang paglabag (sa utos), na naglilibot ng bulag
Verse 76
At katotohanang sila ay sinaklot Namin ng kaparusahan, datapuwa’t sila ay hindi nagpakumbaba sa kanilang Panginoon, gayundin naman ay hindi sila lumuhog (kay Allah) ng may pagsuko sa Kanya
Verse 77
Hanggang nang Aming buksan sa kanila ang tarangkahan ng matinding kaparusahan, at pagmasdan! Sila ay ilulubog sa pagkawasak ng may matinding pagsisisi, dalamhati at kawalang pag-asa
Verse 78
Siya (Allah) ang lumikha sa inyo ng (senso ng) pandinig (tainga), paningin (mata), at puso (pang-unawa). Kakarampot na pasasalamat (lamang) ang inyong isinusukli
Verse 79
At Siya ang lumikha sa inyo sa kalupaan, at kayo sa Kanya ay muling titipunin
Verse 80
At Siya ang nagkakaloob ng buhay at Siya rin ang naggagawad ng kamatayan, at sa Kanya (ang kapamahalaan) nang pagsasalisihan ng gabi at araw. Hindi baga kayo nakakaunawa
Verse 81
Hindi, datapuwa’t sila ay nagsasabi ng katulad nang mga sinasabi ng mga tao ng panahong sinauna
Verse 82
Sila ay nagsasabi: “Kung kami ba ay patay na at naging alabok at mga buto, katiyakan bang kami ay muling ibabangon?”
Verse 83
“Katotohanang ito ang ipinangako sa amin, kami at ng aming mga ninuno na una pa (sa amin). Ito ay isa lamang sa mga kathang isip ng sinaunang panahon!”
Verse 84
Ipagbadya: “Kanino ang kalupaan at anu-ano ang nakapaloob dito? Kung inyong nalalaman?”
Verse 85
Sila ay magsasabi: “Ito ay kay Allah!” Ipagbadya: “Hindi baga kayo makakaala-ala?”
Verse 86
Ipagbadya: “Sino ang Panginoon ng pitong kalangitan, at ang Panginoon ng dakilang Luklukan?”
Verse 87
Sila ay magsasabi: “Si Allah”. Ipagbadya: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah (ang manalig sa Kanyang Kaisahan, sundin Siya, maniwala sa Muling Pagkabuhay at Kabayaran sa bawat isa at lahat ng mabuti at masamang gawa)?”
Verse 88
Ipagbadya: “Nasa Kaninong Kamay ang kapamahalaan ng lahat ng bagay (alalaong baga, ang kayamanan ng isa at lahat ng bagay)? At Siya ang nangangalaga sa (lahat), datapuwa’t Siya ay walang tagapangalaga ([laban sa Kanya], alalaong baga, kung gusto Niyang magligtas, walang makakapagparusa o makakapinsala sa kanya, at kung si Allah ay magparusa o puminsala sa sinuman, walang makapagliligtas sa kanya
Verse 89
Sila ay magsasabi: “(Ang lahat) ay nasa pag-aangkin ni Allah.” Ipagbadya: “Paano kayo kung gayon nalinlang at tumalikod sa katotohanan?”
Verse 90
Hindi, datapuwa’t ipinarating Namin sa kanila ang Katotohanan (ang Islam at Kaisahan ni Allah), at katotohanang sila (ang mga hindi sumasampalataya) ay mga sinungaling
Verse 91
walang anak na lalaki (o supling, o mga anak) ang ipinanganak ni Allah, gayundin ay wala ng ibang Ilah (diyos) na kasama Niya; (at kung mayroon mang iba pang diyos), pagmasdan, ang bawat diyos ay kukuha sa anumang kanyang nilikha, at ang iba ay magpipilit na madaig ang iba! Maluwalhati si Allah nang higit sa lahat ng mga itinatambal sa Kanya
Verse 92
Ang Lubos na Nakakaalam ng mga nalilingid at nakalantad! Higit siyang Mataas sa lahat ng mga itinatambal nila na kasama sa Kanya
Verse 93
Ipagbadya (O Muhammad): “Aking Panginoon! Kung Inyo sanang ipamamalas sa akin ang bagay na sa kanila ay ibinabanta (kaparusahan)
Verse 94
“Aking Panginoon! Kaya’t (ako ay iligtas Ninyo sa Inyong kaparusahan), at ako ay huwag Ninyong ibilang sa mga tao na Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, atbp)
Verse 95
At katotohanang magagawa Naming ipamalas sa iyo (o Muhammad) ang bagay na Aming ibinabanta sa kanila
Verse 96
(Na) salansangin ang kasamaan sa bagay na higit na mabuti. Kami ay Ganap na Nakakatalos sa lahat nilang ipinahahayag
Verse 97
At ipagbadya: “Aking Panginoon! Ako ay napapakalinga sa Inyo sa mga ibinubulong (inuulot) ng mga demonyo
Verse 98
At ako ay napapakalinga sa Inyo, aking Panginoon!, baka sila ay gumanyak (o lumapit) sa akin.”
Verse 99
Hanggang (nang) ang kamatayan ay sumapit sa isa sa kanila (sila na nagtatambal ng kapangkat o karibal kay Allah), siya ay nagsasabi: “Aking Panginoon! Ako ay ibalik Ninyong muli
Verse 100
Upang ako ay makagawa ng kabutihan sa mga bagay na aking naiwan!” Hindi, ito ay isa lamang salita na kanyang ipinangungusap, at sa likuran nila ay may Barzakh (isang hadlang), hanggang sa Araw na sila ay muling ibabangon
Verse 101
At kung ang Tambuli ay mahipan, walang magiging pagkakamag-anak sa pagitan nila sa Araw na ito, gayundin, sila ay hindi magtatanungan sa isa’t isa
Verse 102
At sila na ang timbangan (ng mabuting gawa) ay mabigat, - sila, sila ang matatagumpay
Verse 103
At sila na ang timbangan (ng mabuting gawa) ay magaan, - sila yaong ipinatalo nila ang kanilang sarili, - sa Impiyerno sila ay mananatili
Verse 104
Ang Apoy ay susunog sa kanilang mukha, at dito sila ay magsisingiti, ng may nakalihis na mga labi (masamang anyo)
Verse 105
“Hindi baga ang Aming mga Talata (ang Qur’an) ay dinadalit sa inyo, at kayo ay (lagi nang) nagtatakwil dito?”
Verse 106
Sila ay magsasabi: “Aming Panginoon! Ang aming kabuktutan ay nakapanaig sa amin, at kami ay mga palasuway na tao.”
Verse 107
“Aming Panginoon! Kami ay hanguin Ninyo rito, at kung kami ay sakaling magbalik sa kasamaan, katotohanang kami ay Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, atbp)
Verse 108
Siya (Allah) ay magwiwika: “Manatili kayo riyan sa pagdurusa! At huwag kayong mangusap sa Akin!”
Verse 109
Katotohanan! Mayroong mga pangkat ng Aking mga alipin ang lagi nang nagsasabi: “Aming Panginoon! Kami ay sumasampalataya, kaya’t patawarin kami, at gawaran kami ng habag, sapagkat Kayo ang Pinakamainam sa lahat ng nagpapamalas ng Habag!”
Verse 110
Datapuwa’t sila ay itinuring ninyo na katatawanan, na naging dahilan upang inyong makalimutan ang Pag-aala-ala sa Akin habang kayo ay nanglilibak sa kanila
Verse 111
Katotohanan! Ako ay nagkaloob sa kanila ng gantimpala sa Araw na ito dahilan sa kanilang pagtitiyaga, katotohanang sila ang matatagumpay
Verse 112
Siya (Allah) ay magwiwika: “Ilang taon ba kayong nanatili sa lupa?”
Verse 113
Sila ay magsasabi: “Kami ay nanatili ng isang araw o bahagi ng isang araw. Tanungin ang mga nagtatala.”
Verse 114
Siya (Allah) ay magwiwika: “Nanatili lamang kayo nang sandali, - kung inyo lamang nalalaman!”
Verse 115
“Napag-aakala ba ninyo na Aming nilikha lamang kayo sa paglalaro (na walang layunin), at kayo ay hindi muling magbabalik sa Amin?”
Verse 116
Higit na Kataas-taasan si Allah, ang tunay na Hari, La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), ang Panginoon ng Mataas na Luklukan
Verse 117
At sinuman ang tumawag (o sumamba) sa iba pang diyos maliban kay Allah, na roon siya ay walang katibayan, kung gayon, ang kanyang pagsusulit ay tanging sa kanyang Panginoon lamang. Katotohanan! Ang Al-Kafirun (ang mga hindi sumasampalataya, pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, atbp.) ay hindi magsisipagtagumpay
Verse 118
At ipagbadya (o Muhammad): “Aking Panginoon! Magkaloob Kayo ng pagpapatawad at habag! Sapagkat Kayo ang Pinakamainam sa mga nagpapamalas ng habag!”