Back to Languages

    Filipino - Chapter 26

    Translation by Abdullatif Eduardo M. Arceo

    Verse 1

    Ta, Sin, Mim (mga titik Ta, Sa, Ma)

    Verse 2

    Ito ang mga Talata ng lantad na Aklat (ang Qur’an na ipinangako ni Allah sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo, upang ang mga bagay ay maging maliwanag

    Verse 3

    Maaaring ikaw (o Muhammad) ay magtangka na pumatay sa iyong sarili ng may kapighatian, sa dahilang sila ay hindi sumampalataya sa iyong pagka-Propeta at sa iyong Mensahe (ng Kaisahan ni Allah at ng Islam)

    Verse 4

    Kung Aming naisin, ay Aming maipapanaog sa kanila mula sa kalangitan ang isang tanda, at dahil dito, ay iyuyuko nila ang kanilang leeg sa kapakumbabaan

    Verse 5

    Datapuwa’t wala pang bagong kapahayagan mula sa Pinakamapagpala (Allah) ang dumating sa kanila nang hindi nila tinalikuran

    Verse 6

    Kaya’t katotohanang itinakwil nila (ang Katotohanan, ang Qur’an), at ang balita nang kanilang tinutuya ay sasapit sa kanila

    Verse 7

    Hindi baga nila namamasdan ang kalupaan, - kung gaano karami ang lahat ng uri ng mabuting pananim na Aming pinatubo rito

    Verse 8

    Katotohanang naririto ang Ayah (Katibayan o Tanda), datapuwa’t ang karamihan sa kanila (mga pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, atbp., na hindi nananalig sa Muling Pagkabuhay) ay hindi sumasampalataya

    Verse 9

    At katotohanan ang inyong Panginoon! Siya ang tunay na Pinakamakapang-yarihan, ang Pinakamaawain

    Verse 10

    At (alalahanin) nang ang iyong Panginoon ay tumawag kay Moises (na nagsa-sabi): “Pumaroon ka sa mga tao na Zalimun (buktot, buhong, pagano, atbp)

    Verse 11

    Sa mga tao ni Paraon. Hindi baga nila pangangambahan si Allah at magiging matuwid sa kabutihan?”

    Verse 12

    Siya (Moises) ay nagsabi: “Aking Panginoon! Ako ay nangangamba na ako ay kanilang pasisinungalingan

    Verse 13

    Ang aking dibdib ay naninikip, at ang aking dila ay naninigas (at hindi makakapangusap), kaya’t suguin ninyo si Aaron (na sumama sa akin)

    Verse 14

    “At sila ay may paratang na krimen laban sa akin, at ako ay nangangamba na ako ay kanilang papatayin.”

    Verse 15

    Si Allah ay nagwika: “Hindi! Kayo ay kapwa pumaroon doonnamaydalangmgaTanda mulasaAmin. Katotohanang Kami ay nasa sa inyo at nakikinig.”

    Verse 16

    “At kung kayo ay kapwa dumating na kay Paraon, inyong ipahayag: “Kami ay mga Tagapagbalita ng Panginoon ng lahat ng mga nilalang

    Verse 17

    “Kaya’t hayaan (mong) ang Angkan ng Israel ay sumama sa amin.”

    Verse 18

    (Si Paraon) ay nagsabi (kay Moises): “Hindi baga ikaw ay pinalaki namin bilang aming anak? At ikaw ay namuhay sa amin sa maraming taon ng iyong buhay

    Verse 19

    At ikaw ay gumawa ng isang gawa (na batid mong) ikaw ang may gawa (alalaong baga, ang krimen nang pagpatay sa isang tao). At ikaw ay isa sa mga walang utang na loob.”

    Verse 20

    Si Moises ay nagsabi: “Nagawa ko yaon nang ako ay wala pang muwang (sa mga pag-uutos at mensahe ng aking Panginoon)

    Verse 21

    “Kaya’t ako ay tumakas sa iyo nang ako ay matakot sa iyo. Datapuwa’t ang aking Panginoon ay nagkaloob sa akin ng Hukman (alalaong baga, ng karunungang pangrelihiyon, kaalaman, tamang paghatol, pagka-Propeta) at Kanyang hinirang ako bilang isa sa mga Tagapagbalita

    Verse 22

    At ito ang nakaraang pabor (utang na loob) na tinutunton mo sa akin, - na iyong inalipin ang Angkan ng Israel.”

    Verse 23

    Si Paraon ay nagsabi: “At sino ang Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)?”

    Verse 24

    Si Moises ay nagpahayag: “(Siya) ang Panginoon ng kalangitan at kalupaan, at lahat ng nasa pagitan nito, kung ikaw ay naghahanap ng katiyakan upang mahikayat.”

    Verse 25

    Si Paraon ay nagsabi sa mga naroroon: “Hindi baga ninyo narinig (ang kanyang sinabi)

    Verse 26

    Si Moises ay nagsabi: “(Siya) ang iyong Panginoon at Panginoon ng iyong mga ninuno!”

    Verse 27

    Si Paraon ay nagsabi: “Katotohanan, ang inyong Tagapagbalita na isinugo sa inyo ay isang nasisiraan ng bait!”

    Verse 28

    Si Moises ay nagsabi: “(Siya) ang Panginoon ng Silangan at Kanluran, at lahat ng nasa pagitan nito, kung inyo lamang nauunawaan!”

    Verse 29

    Si Paraon ay nagsabi: “Kung ikaw ay pipili ng ilah (diyos) na iba pa sa akin, katiyakang ipipiit kita na kasama ng ibang mga bilanggo.”

    Verse 30

    Si Moises ay nagsabi: “Kahit na dalhin ko sa iyo ang isang bagay na maliwanag (at nakakahikayat)?”

    Verse 31

    Si Paraon ay nagsabi: “Kung gayon, dalhin mo yaon dito, kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan!”

    Verse 32

    Kaya’t inihagis (ni Moises) ang kanyang tungkod, at pagmasdan, ito ay isang ahas na naglulumantad

    Verse 33

    At inilabas niya ang kanyang kamay, at pagmasdan, ito ay naging ganap na kaputian sa mga nakakamasid

    Verse 34

    Si (Paraon) ay nagsabi sa mga pinuno sa paligid niya: “Katotohanan! Ito ay walang pagsala na isang bihasang manggagaway (o salamangkero)

    Verse 35

    Ibig niyang itaboy kayo sa inyong lupain sa pamamagitan ng kanyang pangga-gaway, kaya’t ano ang inyong maipapayo, at ano ang inyong maipag-uutos?”

    Verse 36

    Sila ay nagsabi: “Pigilan mo siya at ang kanyang kapatid (nang pansamantala), at magpadala ka ng mga tagatawag sa mga lungsod

    Verse 37

    Upang dalhin sa iyo ang lahat ng magagaling na manggagaway.”

    Verse 38

    Kaya’t ang mga manggagaway ay inihanay na lahat sa takdang araw at oras na itinalaga

    Verse 39

    At ipinagbadya sa mga tao: “Kayo rin ba ay magsisihanay

    Verse 40

    Upang ating masundan ang mga manggagaway (na kapanalig ni Paraon sa kanyang relihiyon ng kawalang paniniwala), kung sila ay magtatagumpay.”

    Verse 41

    Kaya’t nang ang mga manggaway ay dumating, sila ay nagsabi kay Paraon: “Mayroon bang tiyak na gantimpala na aming tatamuhin kung kami ay manalo?”

    Verse 42

    Siya ay nagsabi: “oo, at kayo ay katiyakan na mapapabilang sa mga malalapit (sa akin).”

    Verse 43

    Si Moises ay nagsabi sa kanila: “Ihagis ninyo kung ano ang gusto ninyong ihagis!”

    Verse 44

    Kaya’t inihagis nila ang kanilang mga lubid at kanilang mga tungkod, at nagsabi: “Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Paraon, kami ang siyang tunay na magtatagumpay!”

    Verse 45

    Nang magkagayon, ay inihagis ni Moises ang kanyang tungkod, at pagmasdan, nilagom nitong lahat ang mga kabulaanan na kanilang ipinamalas

    Verse 46

    At ang mga manggagaway ay lumugmok na nagpapatirapa

    Verse 47

    Na nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)

    Verse 48

    Ang Panginoon ni Moises at Aaron.”

    Verse 49

    Si (Paraon) ay nagsabi: “Kayo ay naniwala na sa kanya bago ko pa kayo bigyan ng pahintulot. Katotohanang siya ay inyong pinuno, na nagturo sa inyo ng salamangka! Kaya’t katotohanang mapag-aalaman ninyo. Katotohanang aking puputulin ang inyong mga kamay at paa sa magkabilang panig, at kayong lahat ay aking pahihirapan (ititirik sa krus).”

    Verse 50

    Sila ay nagsabi: “walang kapinsalaan! Katotohanang sa aming Panginoon (Allah), kaming lahat ay magbabalik

    Verse 51

    Katotohanan! Kami ay lubusang umaasa na ang aming Panginoon ay magpapatawad ng aming mga kasalanan, sapagkat kami ang una sa mga sumasampalataya (sa pagka-Propeta ni Moises at sa ipinahayag sa kanya ni Allah).”

    Verse 52

    At binigyang inspirasyon Namin si Moises na nagsasabi: “Kaunin mo ang Aking mga alipin sa gabi, katotohanang kayo ay tutugisin.”

    Verse 53

    Nang magkagayon, si Paraon ay nagpadala ng mga tagatawag sa mga lungsod

    Verse 54

    (Na nagsasabi): “Katotohanang sila ay isa lamang maliit na lipon

    Verse 55

    At katotohanang sila ay gumawa ng bagay na nakapagbigay poot sa atin

    Verse 56

    Datapuwa’t tayo ay mga nananahan dito na nakahanda at ganap na napasa-bihan.”

    Verse 57

    Kaya’t Aming itinaboy sila mula sa mga halamanan at dalisdis

    Verse 58

    Sa mga kayamanan at sa lahat ng uri ng marangal na lugar

    Verse 59

    Kaya’t (itinaboy Namin ang mga tao ni Paraon) at hinayaan Namin ang Angkan ng Israel ang humalili (o magmana) sa kanila

    Verse 60

    Kaya’t kanilang tinugis sila sa sandali nang pagsikat ng araw

    Verse 61

    At nang ang dalawang pangkat ay magtagpo sa isa’t isa, ang pamayanan ni Moises ay nagsabi: “Katiyakang tayo ay kanilang malulupig.”

    Verse 62

    Si (Moises) ay sumagot: “Hindi, katotohanan! Nasa panig ko ang aking Panginoon, ako ay Kanyang papatnubayan.”

    Verse 63

    At binigyang inspirasyon Namin si Moises (at sa kanya ay winika): “Hampasin mo ng iyong tungkod ang dagat.” At ito ay nahati, at ang bawat gilid ng (tubig-dagat) ay naging malaki at matibay na anyo ng bundok

    Verse 64

    At makaraaan, hinayaan Naming ang mga iba (sa pangkat ni Paraon) ay sumapit sa lugar na yaon

    Verse 65

    At iniligtas Namin si Moises at ang lahat ng kasama niya

    Verse 66

    At Aming nilunod ang mga iba (ang pangkat ni Paraon)

    Verse 67

    Katotohanan! Katiyakang naririto ang isang Tanda (o isang Katibayan), datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya

    Verse 68

    At katotohanan, ang iyong Panginoon! Siya lamang ang tunay na Pinakama- kapangyarihan, ang Pinakamaawain

    Verse 69

    At isalaysay mo sa kanila ang kasaysayan ni Abraham

    Verse 70

    Nang sabihin niya sa kanyang ama at sa kanyang mga tao: “Ano baga ang inyong sinasamba?”

    Verse 71

    Sila ay nagsabi: “Kami ay sumasamba sa mga imahen, at sa kanila kami ay lagi nang matimtiman.”

    Verse 72

    Siya (Abraham) ay nagsabi: “Kayo ba ay naririnig nila, kung kayo ay tumatawag (sa kanila)

    Verse 73

    o sila ba ay nagbibigay ng kapakinabangan sa inyo o pinipinsala nila (kayo)?”

    Verse 74

    Sila ay nagsabi: “Hindi, nguni’t nakagisnan na namin ang aming mga ninuno na gumagawa ng ganito.”

    Verse 75

    Siya(Abraham) aynagsabi:“Nagmamasidbakayosamga bagay na inyong sinasamba?”

    Verse 76

    “Kayo, at ang inyong mga ninuno noon pa sa panahong sinauna?”

    Verse 77

    Katotohanan! Sila ay aking mga kaaway, maliban sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)

    Verse 78

    Na lumikha sa akin, at Siya na Tanging namamatnubay sa akin

    Verse 79

    At Siya ang nagpapakain at nagbibigay sa akin ng inumin

    Verse 80

    At kung ako ay maysakit, Siya ang nagbibigay lunas sa akin

    Verse 81

    At Siya ang maggagawad sa akin ng kamatayan, at Siya rin ang magbabangon sa akin sa (muling) pagkabuhay

    Verse 82

    At sa Kanya, ako ay nanalig na (Siya ay) magpapatawad ng aking mga kamalian sa Araw ng Kabayaran, (ang Araw ng Muling Pagkabuhay)

    Verse 83

    Aking Panginoon! Inyong gawaran ako ng Hukman (alalaong baga, karunungang pangrelihiyon, kaalaman, pagka-Propeta), at ako ay Inyong ibilang sa mga matutuwid

    Verse 84

    At Inyongpagkaloobanakongkarangal-rangalnabanggit sa mga darating na sali’t saling lahi

    Verse 85

    At Inyong gawin ako na isa sa mga tagapagmana ng Paraiso ng Kasiyahan

    Verse 86

    At patawarin Ninyo ang aking ama, katotohanang siya ay isa sa mga nalilihis (ng landas)

    Verse 87

    At ako ay huwag Ninyong alisan ng biyaya sa Araw (na ang lahat ng mga nilikha) ay muling ibabangon (sa pagkabuhay)

    Verse 88

    Sa Araw na ang kayamanan o maging mga anak (na lalaki) ay hindi makaka-panaig

    Verse 89

    Maliban sa kanya na magdadala kay Allah ng isang malinis na puso (malinis sa pagsamba sa mga diyus-diyosan [shirk] at kapaimbabawan [Nifaq]).”

    Verse 90

    At ang Paraiso ay itatambad nang malapit sa Muttaqun (mga mabubuti, banal at matutuwid na tao na higit na nangangamba kay Allah sa pamamagitan nang pag-iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal, at labis na nagmamahal kay Allah sa pagsasagawa ng lahat ng uri ng kabutihan na Kanyang ipinag-utos)

    Verse 91

    At ang Apoy (Impiyerno) ay ilalantad nang ganap sa paningin ng mga makasalanan

    Verse 92

    At sa kanila ay ipagbabadya:“Nasaansila(mgadiyus-diyosannaitinatambal nila bilang karibal ni Allah) na lagi ninyong sinasamba

    Verse 93

    Maliban pa kay Allah? Sila ba ay makakapagbigay ng tulong sa inyo (o di kaya) ay matutulungan nila ang kanilang sarili?”

    Verse 94

    (Kung magkagayon), sila ay ihahagis (sa Apoy) na una ang kanilang mukha, sila at ang Ghawun (mga demonyo at lahat ng mga nasa kamalian)

    Verse 95

    At ang buong lipon ni Iblis (Satanas) nang sama-sama

    Verse 96

    Sila ay magsasabi habang sila ay nagtatalo (at nagsisisihan) doon

    Verse 97

    Sa (Ngalan) ni Allah, katiyakang tayo ay nasa maliwanag na kamalian

    Verse 98

    Nang aming itinuring kayo (mga huwad na diyos) bilang kapantay (sa pagsamba) sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)

    Verse 99

    At wala ng iba pa ang naghatid sa amin sa kamalian kung hindi ang Mujrimun (si Iblis [Satanas] at mga tao na buhong, pagano, buktot, mapang-api, atbp

    Verse 100

    Ngayon, kami ay walang mga tagapamagitan

    Verse 101

    Gayundin ng isang malapit na kaibigan (upang kami ay tulungan)

    Verse 102

    (oh!) Kung kami ay mayroon lamang na isa pang pagkakataon na makabalik (sa kalupaan), katiyakang kami ay mapapabilang sa mga sumasampalataya

    Verse 103

    Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya

    Verse 104

    At katotohanan, ang iyong Panginoon! Siya ang tunay na Pinakamakapangya-rihan, ang Pinakamaawain

    Verse 105

    Ang mga tao (pamayanan) ni Noe ay nagpasinungaling sa mga Tagapagbalita

    Verse 106

    Nang ang kanilang kapatid na si Noe ay nangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya

    Verse 107

    Ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo

    Verse 108

    Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

    Verse 109

    walang anumang gantimpala ang hinihingi ko sa inyo para rito (sa aking pagbibigay ng Mensahe ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)

    Verse 110

    Kaya’t panatilihin ninyo ang inyong tungkulin kay Allah, pangambahan Siya at ako ay inyong sundin.”

    Verse 111

    Sila ay nagsasabi: “Kami ba ay mananampalataya sa iyo, kung ang mga sumusunod lamang sa iyo ay pawang mga hamak (walang sinasabi sa lipunan)?”

    Verse 112

    Siya (Noe) ay nagsabi: “At ano ba ang aking kaalaman, kung anuman ang kanilang ginagawa

    Verse 113

    Ang talaan (ng kanilang gawa) ay tanging nasa aking Panginoon, kung inyo (lamang) nalalaman

    Verse 114

    At hindi ko gagawin na itaboy ang mga sumasampalataya

    Verse 115

    Ako ay isa lamang lantad na tagapagbabala.”

    Verse 116

    Sila ay nagsasabi: “Kung ikaw ay hindi magtitigil, O Noe! Katiyakang ikaw ay mapapabilang sa mga babatuhin (hanggang kamatayan).”

    Verse 117

    Siya (Noe) ay nagsabi: “Aking Panginoon! Katotohanan, ang aking pamayanan ay nagpasinungaling sa akin

    Verse 118

    Kaya’t Kayo ang humatol sa pagitan ko at nila, at Inyong iligtas ako at ang mga sumasampalataya na kapiling ko.”

    Verse 119

    At Aming iniligtas siya at ang kanyang mga kasama sa nalululanang barko

    Verse 120

    At Aming nilunod ang mga naiwan (mga hindi sumasampalataya) matapos ang pagliligtas sa Al-Baqin (kay Noe at sa kanyang mga kasama na sumasampalataya)

    Verse 121

    Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya

    Verse 122

    At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain

    Verse 123

    (Ang mga tao) ni A’ad ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita

    Verse 124

    Nang ang kanilang kapatid na si Hud ay mangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya

    Verse 125

    Katotohanang ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo

    Verse 126

    Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

    Verse 127

    walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)

    Verse 128

    Kayo ba ay nagtatayo ng mga matataas na palasyo sa bawat mataas na burol, bagama’t kayo ay hindi nananahan doon

    Verse 129

    At nag-aangkin ba kayo sa inyong sarili ng mga palasyo (maiinam na mga gusali), na wari bang maninirahan kayo roon sa panghabang panahon

    Verse 130

    At kung kayo ay manaklot, kayo ay nananaklot bilang mga (pinunong) malulupit

    Verse 131

    Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

    Verse 132

    At panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya, pangambahan Siya na nagkaloob sa inyo ng lahat (ng magagandang bagay) na inyong nalalaman

    Verse 133

    Kayo ay pinagkalooban Niya ng hayupan (bakahan) at mgaanak

    Verse 134

    Atmgahalamananatdalisdis

    Verse 135

    Katotohanan, aking pinangangambahan para sa inyo ang kaparusahan ng dakilang Araw.”

    Verse 136

    Sila ay nagsabi: “walang pagkakaiba sa amin kung ikaw ay mangaral o hindi ka kabilang sa mga nangangaral

    Verse 137

    Ito ay wala ng iba maliban sa mga kaugalian at paniniwala noong panahong sinauna

    Verse 138

    At kami ay hindi mapaparusahan.”

    Verse 139

    Kaya’t siya ay pinabulaanan nila, at Aming winasak sila. Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya

    Verse 140

    At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapang-yarihan, ang Pinakamaawain

    Verse 141

    (Ang mga tao) ni Thamud ay nagpabulaan sa Tagapagbalita

    Verse 142

    Nang ang kanilang kapatid na si Salih ay nagbadya sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allahatsusundin Siya

    Verse 143

    Akoayisangmapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo

    Verse 144

    Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

    Verse 145

    walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)

    Verse 146

    Kayo baga ay maiiwan nang ligtas sa lugar na kinaroroonan ng inyong mga pag-aari

    Verse 147

    Sa mga halamanan at dalisdis

    Verse 148

    At sa mga bukirin ng mais at palmera (datiles) na may malalambot na sungot (o talulot, Eng. spadix)

    Verse 149

    At kayo ay umuukit ng mga tahanan sa gilid ng kabundukan na may natatanging kaalaman

    Verse 150

    Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

    Verse 151

    At huwag ninyong sundin ang pag-uutos ng Almusrifun (alalaong baga, ang kanilang mga pinuno na buktot, pagano, kriminal, atbp)

    Verse 152

    Na gumagawa ng mga katampalasanan sa kalupaan at tumatangging magbagong buhay.”

    Verse 153

    Sila ay nagsabi: “Ikaw ay isa lamang sa mga inalihan ng demonyo

    Verse 154

    Ikaw ay isa lamang tao na katulad namin. Kaya’t dalhin mo sa amin ang isang Tanda kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan.”

    Verse 155

    Siya (Salih) ay nagsabi: “Naririto ang isang babaeng kamelyo; siya ay mayroong karapatan na uminom (ng tubig), at kayo ay mayroong karapatan na uminom (ng tubig), sa maraming beses, sa araw na itinalaga

    Verse 156

    At huwag ninyong hipuin siya ng may pinsala, baka ang kaparusahan ng dakilang Araw ay sumaklot sa inyo.”

    Verse 157

    Datapuwa’t kanilang pinatay siya (babaeng kamelyo), at pagkaraan sila ay nagsisi

    Verse 158

    Kaya’t ang kaparusahan ay sumaklot sa kanila. Katotohanang naririto ang isang tunay na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya

    Verse 159

    At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain

    Verse 160

    Ang mga tao ni Lut (yaong mga nagsipanahan sa mga bayan ng Sodom at Palestina) ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita

    Verse 161

    Nang ang kanilang kapatid na si Lut ay nagsabi sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya

    Verse 162

    Katotohanang ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo

    Verse 163

    Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ninyo ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

    Verse 164

    wala akong hinihinging gantimpala mula sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn at lahat ng mga nilalang)

    Verse 165

    Nagsisitungo kayo sa mga kalalakihan ng Aalamin (sangkatauhan)

    Verse 166

    At iniiwan ninyo ang mga nilikha ni Allah (mga kababaihan) para inyong maging mga asawa? Hindi, kayo ay mga taong lumagpas sa hangganan ng pagsuway (makasalanan)!”

    Verse 167

    Sila ay nagsabi: “Kung ikaw ay hindi magtitigil, O Lut! Katotohanang ikaw ay isa sa mapapabilang sa mga itataboy!”

    Verse 168

    Siya (Lut) ay nagsabi: “Ako ay katotohanang isa sa mga tumututol nang may matinding pagkagalit at poot sa inyong (masamang) ginagawa (sodomya, pakikipagniig sa kapwa lalaki)

    Verse 169

    Aking Panginoon! Inyong iligtas ako at ang aking pamilya sa kanilang ginagawa.”

    Verse 170

    Kaya’t Aming iniligtas siya at ang kanyang pamilya, silang lahat

    Verse 171

    Maliban sa isang matandang babae (ang kanyang asawa) na isa sa mga nagpaiwan

    Verse 172

    At pagkaraan ay Aming winasak ang mga iba pa

    Verse 173

    At pinaulan Namin sa kanila ang ulan (ng pagpaparusa). At gaano kasama ang naging ulan ng mga pinaalalahanan

    Verse 174

    Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya

    Verse 175

    At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangyarihan, ang Pinakamaawain

    Verse 176

    Ang mga naninirahan sa Al-Aiyka (malapit sa Madyan o Midian) ay nagpabulaan sa mga Tagapagbalita

    Verse 177

    Nang si Shu’aib ay mangusap sa kanila: “Hindi baga ninyo pangangambahan si Allah at susundin Siya

    Verse 178

    Ako ay isang mapagkakatiwalaang Tagapagbalita sa inyo

    Verse 179

    Kaya’t pangambahan ninyo si Allah (panatilihin ang inyong tungkulin sa Kanya), at ako ay inyong sundin

    Verse 180

    walang anumang gantimpala ang aking hinihingi sa inyo para rito (sa aking pagpapahayag ng Islam at Kaisahan ni Allah), ang aking biyaya ay nagmumula lamang sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)

    Verse 181

    Magbigay ng tamang sukat at huwag maghangad ng kasahulan (sa mga iba)

    Verse 182

    At magtimbang ng tunay at tumpak na timbang

    Verse 183

    At huwag manlinlang ng mga tao sa pamamagitan ng pagbabawas sa kanilang mga ari-arian, at huwag ding gumawa ng kasamaan, na gumagawa ng katiwalian at panloloko sa kalupaan

    Verse 184

    At pangambahan Siya na lumikha sa inyo at sa mga sali’t saling lahi noong panahong sinauna.”

    Verse 185

    Sila ay nagsabi: “Ikaw ay isa lamang sa mga inalihan ng demonyo

    Verse 186

    Ikaw ay isa lamang tao na katulad namin, at katiyakan, kami ay nag-aakala na ikaw ay isa sa mga sinungaling

    Verse 187

    Kaya’t hayaan ang isang bahagi (piraso) ng kalangitan ay bumagsak sa amin kung ikaw ay kabilang sa nagsasabingkatotohanan!”

    Verse 188

    Siya(Shuaib) aynagsabi: “Ang aking Panginoon ang Ganap na Nakakaalam ng anumang inyong ginagawa.”

    Verse 189

    Datapuwa’t kanilang pinabulaanan siya, kaya’t ang kaparusahan ng araw ng anino (isang madilim na ulap) ay sumaklot sa kanila, katiyakang ito ang kaparusahan ng dakilang Araw

    Verse 190

    Katotohanan! Naririto ang isang tiyak na Tanda, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay hindi sumasampalataya

    Verse 191

    At katotohanan! Ang iyong Panginoon, Siya ang tunay na Pinakamakapangya- rihan, ang Pinakamaawain

    Verse 192

    At katotohanan, ito (ang Qur’an) ay isang kapahayagan mula sa Panginoon ng Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)

    Verse 193

    Na ipinanaog ng mapagkakatiwalaang ruh (Espiritu, si Gabriel Arkanghel) mula (kay Allah)

    Verse 194

    Sa iyong puso (o Muhammad), upang ikaw ay maging (isa) sa mga tagapag-babala

    Verse 195

    Sa malinaw na wikang Arabik

    Verse 196

    At katotohanan, ito (ang Qur’an at ang pagkapahayag nito kay Propeta Muhammad) ay (ipinahayag) sa mga Kasulatan (alalaong baga, ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) sa mga naunang tao

    Verse 197

    Hindi pa ba isang tanda sa kanila na ang mga pantas (na katulad ni Abdullah bin Salam na yumakap sa Islam) mula sa Angkan ng Israel ay nakakaalam (na ito ay katotohanan)

    Verse 198

    At kung Aming inihayag ito (ang Qur’an) sa kaninuman na hindi Arabe (o Arabo)

    Verse 199

    At kanyang dinalit ito sa kanila, sila ay hindi magsisipaniwala rito

    Verse 200

    Kaya’t hinayaan Namin ito (ang pagtatakwil sa Qur’an) na magsipasok sa puso ng Mujrimun (mga kriminal, pagano, makasalanan, atbp)

    Verse 201

    Hindi sila mananampalataya rito hanggang sa kanilang makita ang masakit na Kaparusahan

    Verse 202

    Ito ay daratal sa kanila sa isang iglap, sa sandaling ito ay hindi nila napag-aakala

    Verse 203

    (At kung magkagayon) sila ay magsasabi: “Kami ba ay maaaring bigyan ng kaunting panahon (palugit)?”

    Verse 204

    Sila ba kung gayon ay magnanais na ang Aming Kaparusahan ay madaliin sa kanila

    Verse 205

    Sabihin sa Akin; kung hinayaan Namin na sila ay magpakasaya sa maraming taon

    Verse 206

    At pagkatapos ay dumatal sa kanila (ang kaparusahan) na sa kanila ay ipinangako

    Verse 207

    Ang lahat ng bagay na kanilang pinagpapasasaan ay hindi makakatulong sa kanila

    Verse 208

    At kailanman ay hindi Namin winasak ang anumang pamayanan, maliban na sila ay binigyan ng mga tagapagbabala

    Verse 209

    Sa pamamagitan ng Pagpapaala-ala, at Kami kailanman ay laging makatarungan

    Verse 210

    At hindi ang mga demonyo ang nagpapanaog nito (ang Qur’an)

    Verse 211

    Ito ay hindi makakatugon sa kanilang naisin, gayundin naman, sila ay hindi maaaring (makagawa nito)

    Verse 212

    Katotohanan, sila ay inilipat nang malayo upang duminig dito

    Verse 213

    Kaya’t huwag kayong manawagan kay Allah na may kasama pang ibang ilah (diyos), kung magkagayon, kayo ay mapapabilang sa mga tatanggap ng kaparusahan

    Verse 214

    At paalalahanan mo (o Muhammad) ang iyong tribo at malalapit na kamag-anak

    Verse 215

    At maging mabait at mapagpakumbaba sa mga sumasampalataya na sumusunod sa iyo

    Verse 216

    At kung sila ay sumuway sa iyo, iyong ipagbadya: “Ako ay walang kaalaman sa inyong ginagawa.”

    Verse 217

    At ilagak mo ang iyong pagtitiwala sa Pinakamakapangyarihan, ang Pinaka-maawain

    Verse 218

    Na nakakamasid sa iyo (o Muhammad) kung ikaw ay nakatindig (na mag-isa sa pagdarasal ng Tahajjud sa gabi)

    Verse 219

    At sa iyong mga kilos, sa gitna ng mga nagpapatirapa (kay Allah, na kasama ka sa pagdarasal ng mga takdang panalangin)

    Verse 220

    Katotohanan! Siya, at Siya lamang ang Lubos na Nakakarinig, ang Puspos ng Kaalaman

    Verse 221

    Ipapaalam Ko ba sa inyo (O mga tao) kung kanino bumababa ang mga demonyo

    Verse 222

    Sila ay bumababa sa bawat sinungaling (na nagsasabi ng mga kabulaanan), at makasalanang tao

    Verse 223

    Na nakikinig (sa mga demonyo at kanilang ibinubuhos kung anuman ang kanilang marinig tungkol sa nakalingid mula sa mga anghel), at karamihan sa kanila ay mga sinungaling

    Verse 224

    At sa mga makata, ang mga nasa kamalian ay sumusunod sa kanila

    Verse 225

    Hindi baga ninyo namamasdan na sila ay nagsasalita tungkol sa lahat ng mga bagay (na nagpupuri sa iba, maging tama man o mali) sa kanilang mga tula

    Verse 226

    At sila ay nagsasabi ng bagay na hindi nila ginagawa

    Verse 227

    Maliban sa mga sumasampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah), at gumagawa ng mga kabutihan at laging may pag-aala-ala kay Allah, at sumasagot rin (nang patula) sa mga walang katarungang tula (na dinadalit ng mga paganong makata laban sa mga Muslim). At sila na gumagawa ng kamalian ay makakaalam kung anong pagbagsak ang sa kanila ay babagsak